Monday, July 12, 2010

Nose bleed

Habang wala pang kaming account, tambay muna kami sa 27th floor, sa isang sulok nang production floor kung saan sa kabilang bay ay grupo nang trainees. Malamang nagte-training sila, since may scarcity nang training rooms sa aming office, minsan sa isang area na walang nagko-calls ginaganap ang training.
Lat week, isang hindi pa ganap nang trainer ang nagtuturo. Nosebleed kaming mga floating team leads habang gumagawa nang reports. Si kuya (or ate... pero malamang ate isa syang ate) ang subject at verb ay pinag-aaway. Ang tenses niya super tensed kung tutuusin. Grabe! Siguro hindi lang nya kami pinapansin habang may mahinang pagtawa. At parang hindi nya alam ang difference nang singular at plural.
Hindi ko mawari kung ganun lang ba talaga pag ang account ay British/UK account. Pero malamang sa hindi. At hindi ko rin alam kung bakit yung tao na yun ang nag-facilitate nang training. Ganun na ba ka-worst yung standard nang aming super friend na si G? Sana naman hindi. Though hindi naman yata nya pinakikialaman ang training nang account na to.
Anyhow, ito week naman na ito, ang kanilang trainer ay isang dating OFW na nagtrabho sa Dubai at 4 years na sya sa aming "manal" na company. At isa na syang ganap na trainer. He's is better than the others at ang accent nya ay isa nang "bloody British one." Mas okey compare dun sa isa. Pero nosebleed pa rin kami.
Hindi ko alam kung dahil hindi kami sanay sa British account pero no choice kami while gumagawa nang reports.
Yun. Bahala na si Batman. At malamang daot ang aabutin nang mga trainers na ito sa amin. He he he!!!

No comments:

Post a Comment